.
Binuksan na sa Quezon City General Hospital ang kauna-unahang Human Milk Bank na itinatatag ng Quezon City Local Government.
Layunin nitong mabigyan ng purong breast milk ang mga sanggol na ipinanganak na kulang sa buwan at mga malnourish.
Ang mga inang nais mag-donate ng breastmilk ay bibigyan ng discount sa mga serbisyo ng Quezon City General Hospital.
Kailangan lang nila na pumunta sa QCGH o sa isa sa pitong tinatawag na Super Health Center sa Quezon City.
Lahat ng magdodonate ay sasailalim sa physical examination at screening para sa mga sakit kasama ang HIV at Hepatitis B.
Tags: Human Milk Bank, Quezon City General Hospital, Super Health Center