Huling SONA ni Pang. Aquino, mapayapa kahit dinumog ng mga ralyista –PNP

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 1118

3 MAPAYAPA
Payapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng huling State of the Nation Address ni Pang. Benigno Aquino III.

Ito’y sa kabila ng ilang girian ng mga pulis at mga raliyista kanina

Sa kabuoan ay mas mapayapa ang naging sitwasyon sa taong ito kumpara noong nakaraang taon.

Kanina pinilit ng mga ito na pumasok sa barikada na inilagay ng PNP at tinangkang dumaan sa Zipper Lane sa Southbound papasok ng Batasan.

Subalit naharang ang mga ito ng pulis kayat nagkaroon ng sakitan

Nasa 15 ang nasugatan kabilang ang isang Fire Officer, isang pulis trainee , 8 pulis at 5 sibilyan.

Ayon kay QCPD Director P/CSUPT. Joel Pagdilao, ang mga ito ay nagtamo ng mga gasgas at sugat sa katawan.

Handa naman ang PNP na kasuhan ang mga raliyista na nambugbog sa 2 police Intel kaninang umaga.

Sinabi pa ni Pagdilao na mas marami ang raliyista ngayong taon na umaabot sa 3 libo hanggang 4500 kumpara noong nakaraang taon.

Kayat dinagdagan din nila ang kanilang mga tauhan.

Ipinagtanggol din ng pinuno ng pambansang pulisya ang sinasabing overkill na paglalagay ng mga barikada sa Commonwealth Avenue.

Tags: