HUDCC secretary-general Millar, inalis sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa alegasyon ng korupsyon

by Radyo La Verdad | November 23, 2018 (Friday) | 5043

Inanunsyo kahapon ng Malacañang na may panibagong nadagdag sa listahan ng mga inalis sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian.

Dinismiss ang secretary general ng Housing and Urban Development Coordinationg Council (HUDCC) na si Falconi Millar epektibo kahapon. Kinumpirma ito ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga talumpati kahapon sa Cavite.

Subalit walang maraming detalyeng ibinigay sa dahilan ng pagkakatanggal nito sa pwesto liban sa umano’y paggamit sa kapangyarihan upang magkamal ng salapi.

Bukod sa pagiging opisyal ng HUDCC, si Falconi din ay nakatalaga rin bilang head ng secretariat ng Task Force Bangon Marawi.

Ang Task Force Bangon Marawi ay binuo ng pamahalaan upang manguna sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa isa namang pahayag, itinanggi ni Falconi ang mga alegasyon laban sa kaniya at sinabing demolition job ito dahil sa mga nasagaan siyang personalidad.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,