HPG, tinuruan ng road safety seminar ang ilang riders sa Bataan

by Radyo La Verdad | June 11, 2018 (Monday) | 7548

Natuto ang ilang riders sa ginawang road safety seminar ng Highway Patrol Group (HPG) sa bayan ng Limay, Bataan. Ito ay upang maging responsible ang mga drayber at sumunod sa mga batas lalo na sa tamang paggamit ng mga sasakyan gaya ng motorsiklo at iba pa.

Ilan sa mga batas na ipinakilala sa mga riders ay ang Republic Act 10054 o ang Helmet Act, R.A. 10586 o ang Anti-Drunk Driving Act, R.A. 10913 o Anti-Distracted Driving Act, at R.A. 4136 o ang mas kilala bilang Land Transportation Code of the Philippines.

Para naman sa mga drayber ng motorsiklo, mayroong Presidential Decree Number 96 na nagsasaad ng mga bagay patungkol sa illegal attachments. Katulad na lamang ng malalakas na busina, maiingay na tambutso at makikinang na LED lights na nagiging sanhi ng aksidente.

Samantala, nagpapasalamat naman ang grupong PHMI dahil kahit masama ang lagay ng panahon ay marami pa rin ang nakiisa sa aktibidad na ito, dahilan upang maging matagumpay ang road safety seminar.

Isang panukala naman ang binuksan ng pulisya sa Bataan ayon kay HPG Provincial Chief of Police Inspector Marlon Magno, ang Oplan Tokhang ng wangwang at blinkers na iligal na gumagamit na mga motorista o hindi otorisado ng batas.

 

( Alfred Ocampo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,