Supply ng bigas sa Region 6 hindi apektado ng El Niño

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 2412

bigas-edited
Sapat pa rin ang supply ng bigas sa buong Region 6 o Western Visayas sa kabila ng nararanasang El Niño sa bansa.

Ito’y dahil sa epektibong late planting at early harvesting na isinagawa ng mga magsasaka sa probinsiya.

Buwan ng Nobyembre nakaraang taon nang magtanim ang mga magsasaka upang makaani pagdating ng Enero ngayong taon kung saan ina-asahan ang mas matinding epekto ng el nino sa mga pananim.

Ayon naman sa Department of Agriculture 1000 ektarya o mas mababa sa 10% ng 134 000 ektarya ng palayan ng Iloilo ang napinsala ng tagtuyot.

Samantala, isinailalim na ang Iloilo sa pre-disaster upang makapaghanda sa mas matindi pang pinsala ng El Niño.

P33.7 million ng calamity fund ng probinsiya ang inilaang pondo para sa El Niño. P12 million ay para sa irigasyon, P10 million sa agrikultura, forest and biodiversity P3 million, information and education campaign P3 million, health P2.5 miilion, veterinary P2.5 million at social capital na P1.3 million.

Nag-angkat na rin ng 750 000 metric tons o 15 million na sako ng bigas ang NFA sa Thailand para sa labing limang araw na buffer stock ng rehiyon kung sakaling kukulangin ng supply pagkatapos ng apat na buwan.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,