Houston Rockets, pasok na NBA West Finals

by dennis | May 18, 2015 (Monday) | 1925
Nagtangkang maglay-up si Houston center Dwight Howard (12) Photo credit: Reuters/Troy Taormina-USA TODAY Sports

Nagtangkang maglay-up si Houston center Dwight Howard (12)
Photo credit: Reuters/Troy Taormina-USA TODAY Sports

Nakumpleto ng Houston Rockets ang isang comeback effort mula sa 1-3 deficit matapos nitong makapagtala ng tatlong sunod na panalo kontra sa Los Angeles Clippers sa Game 7 ng kanilang Western Conference semi-finals.

Sa score na 113-100, nag-advance na sa Western Conference Finals ang Rockets at haharapin nito ang Golden State Warriors.

Huling nakapasok ng conference finals ang Houston noong 1996-1997 season at pang siyam na team na nakabangon mula sa 1-3 deficit.

Pinangunahan ni James Harden ang opensa ng Rockets sa kanyang 31 points, pitong rebounds at walong assists habang nagtala naman ng double-double si Dwight Howard sa kanyang 16 points at 15 rebounds.

Umiskor naman si Trevor Ariza ng 22 points at pitong rebounds na umiskor ng crucial three-point shot halos isang minuto na lamang ang nalalabi sa laro.

Samantala, hindi naging sapat ang 26 points, 10 rebounds at limang assists mula kay Clippers point guard Chris Paul para igiya ang kanyang team patungo sa susunod na round.

Tags: , ,