Houston Rockets, naipuwersa ang Game 7 laban sa L.A. Clippers

by dennis | May 15, 2015 (Friday) | 1948
Si Blake Griffin ng LA Clippers (puti) at Josh Smith ng Houston Rockets (pula), habang nag-aagawan sa rebound sa isang yugto ng kanilang laban, Game 6 ng Western Conference semi-finals (photo credit: Reuters)

Nasupalpalan ni Josh Smith ng Houston Rockets (pula), si Clippers forward Blake Griffin (puti) sa isang yugto ng kanilang laban, Game 6 ng Western Conference semi-finals (photo credit: Reuters)

Nagawang burahin ng Houston Rockets ang 19 na puntos na kalamangan ng Los Angeles Clippers sa third quarter ng laro para ipuwersa ang deciding Game 7 ng kanilang semi-final series sa score na 119-107.

Sa pangunguna ni Houston reserve na si Corey Brewer, nagpakita ito ng sharpshooting sa three point area para umiskor ng 19 points sa huling yugto ng kanilang laban kasabay naman ng pagtamlay ng opensa ng Clippers.

Naging leading scorer ng Rockets si All-Star guard James Harden sa kanyang 23 points habang nagdagdag naman ng 20 points ang sentro nilang si Dwight Howard. Balik-Houston, Texas dalawang koponan dahil sa tinamong homecourt advantage ng tropa ni Harden.

Samantala, pinangunahan naman ni Clippers guard Chris Paul ang kanyang koponan sa kanyang team-high na 31 points habang nagdagdag naman ng 28 points si forward Blake Griffin subalit nabigo silang isara ang serye sa ikalawang pagkakataon.

Tags: , , , ,