House Speaker Feliciano Belmonte Jr., pinagiisipan nang makipag-koalisyon sa PDP-Laban kasama ng ibang LP member

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 10682

GRACE_BELMONTE
Iba’t-iba ang desisyon ng mga miyembro ng Liberal Party ukol sa kanilang sasamahang grupo sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., pinagiisipan niya ang pagbibigay suporta at pakikipag-koalisyon sa kanyang orihinal na partido, ang PDP-Laban.

Sa ngayon aniya wala pa silang pormal na kasunduan ng PDP-Laban dahil may ilang mga isyu pa siyang isinasaalang alang bago tuluyang sumama sa super majority.

Sinabi pa ni Belmonte na mayroon paring 15 miyembro ng lp na nagpahiwatig na hindi sasama sa PDP-Laban.

Ang mga ito aniya ay pansamantalang magli-leave sa LP at bubuo ng sariling minority group sa susunod na Kongreso.

Patuloy na dumadami ang mga kongresista at political party na sumama na sa PDP-Laban.

Kabilang sa nga ito ay ang National Unity Party, Nationalista Party, Nationalist People’s Coalition, Lakas, Makabayan bloc.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,