Pasado na sa House Committee on Justice, sa botong 8-1, ang resolusyon na humihikayat sa Sandiganbayan na payagang isailalim sa house arrest si Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Mayorya ng mga miyembro ng komite ay pabor na ma-house arrest si Arroyo dahil sa umano’y humanitarian reasons.
Gaya ng ulat ng kaniyang mga doktor na hindi na nagre-responsd ang katawan ng kongresista sa mga gamot na ibinibigay sa kaniya.
Ayon din Kay House Committee on Justice Chairman Neil Tupas Jr, kinonsulta nila ang Philippine National Police sa kalagayan ni CGMA na hindi sya flight risk.
Dadalhin pa sa plenaryo ang resolusyon upang pagtibayin.
Matatandaang naka-hospital arrest si CGMA sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa P366- million plunder case.(Aiko Miguel/UNTV Radio)