Nilinaw ni Ifugao Rep.Teddy Baguilat na hindi niya tinututulan ang kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.
Reaksiyon ito ni Baguilat sa pahayag ni incoming Speaker Davao del Norte Rep.Bebot Alvarez na mas maigi kung iwan na lang sa NBI o DOJ ang pag-iimbestiga ukol sa pagkakapatay sa ilang sangkot sa illegal drugs operations sa bansa. At maraming mas mahalagang tutukan ang kongreso gaya ng pagpasa sa mga pangunahing panukala batas.
Sinabi ng congressman na nais niyang ipabatid sa publiko ang responsibiidad ng pulisya sa pagdakip sa mga nagtutulak ng iligal na droga sa bansa kaya siya nagsumite ng resolusyon ukol dito.
Naiintindihan ni Congressman Baguilat kung hindi pa magkaroon ng congressional hearing sa ngayon dahil kailangan pang mag-organisa ng mga komite sa Lower House.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: anti-drug campaign ng bansa, House resolusyon upang imbestigahan, pagkakapatay sa ilang drug pusher, Rep.Baguilat