House panel, sangayon sa mungkahing ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase

by Radyo La Verdad | January 30, 2024 (Tuesday) | 3541

METRO MANILA – Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang isang resolusyon na nagsasaad ng suporta sa mga panukalang pagbabalik ng school calendar sa June to March mula sa kasalukuyang schedule nito na August to June.

Ayon kay Committee Chairperson Representative Roman Romulo, ang umiiral na batas ay nagbibigay sa pangulo ng flexibility na buksan ang academic calendar sa pagitan ng Hunyo hanggang sa huling araw ng Agosto.

Sa pahayag ni Department of Education Director Leila Areola, halos tapos na ang konsultasyon sa mga stakeholder tungkol sa isyu.

Dagdag pa ni Areola, sa kasalukuyan ay gumagawa na ang ahensya ng dokumento na naglalayon na unti-unting ibalik ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Sinabi din niya sa komite na hindi agad maibabalik ang school calendar sa Hunyo.

Tags: ,