Apat ang pangalang lumabas na planong lumaban sa speakership post upang makuha ang minority leadership.
Ito ay sina Navotas Rep. Toby Tianco, Quezon Rep. Danilo Suarez, Albay Rep. Edcel Lagman, at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr.
Nitong nakaraang araw sinabi ni Lagman ang kanyang pinangangambahang posibilidad na magkaroon ng minority group na posibleng suportado rin ng majority.
Pinatutungkulan nito si Suarez matapos makipagpulong kay Pangulong Duterte sa Davao City at nagdesisyon tumakbong minority leader.
Ayon kay Lagman, posibleng maging rubberstamp ng majority ang magiging minority leader.
Sa ngayon wala pang pinal na desisyon ang United Nationalist Alliance o UNA kung sino kina Suarez at Tiangco ang tatakbo bilang minority leader.
(Grace Casin/UNTV Radio)