House inquiry sa nangyaring sunog sa Valenzuela City, gaganapin sa Miyerkules

by dennis | May 16, 2015 (Saturday) | 1984

SUNOG_VALENZUELA-3

Iimbestigahan ng Kamara sa darating na Miyerkules, Mayo 20 ang nangyaring sunog sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City na ikinamatay ng 72 katao.

Pangungunahan ng House Committtee on Labor and Employment ang naturang pagdinig na magsisimula dakong ala-1:30 ng hapon.

Pangunahing tatalakayin sa pagdinig ang aspeto ng occupational safety at ang posibleng paglabag ng Kentex Manufacturing Corporation sa Labor Code kaugnay sa naganap na insidente.

Iimbitahan ng komite ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment(DOLE), ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City, ilang labor organization at ilang survivor at mga naulilang pamilya.

Balak din imbitahan sa pagdinig ang ilang kinatawan ng Kentex.

Aalamin din ng naturang house committee ang ulat na hindi umano rehistrado ang sub-contractor ng Kentex na CJC Manpower Services.

Tags: , , , ,