House Deputy Speakers, dapat panindigan ang posisyon sa death penalty – VP Robredo

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 1096


Hindi dapat magpadala sa pananakot ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga deputy speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng death penalty.

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na mas mahalaga ngayon na makita ng taumbayan kung sino sa mga ito ang may tunay na paninindigan.

Ayon kay VP Robredo, sa ngayon ay wala pang pormal na posisyon ang Liberal Party sa pagbuhay sa parusang bitay.

Samantala, kinumpirma ni VP Robredo na nagpupulong ngayon ang Liberal Party upang muling ayusin at buohin ang kanilang partido.

Sisimulan anila ito sa mga probinsya kung saan mayroon pa silang natitirang mga miyembro.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,