Hot pursuit ops ng Malaysian authorities vs bandidong grupo sa Philippine waters, pahihintulutan ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | November 11, 2016 (Friday) | 1070

pangulong-rodrigo-duterte-at-malaysian-prime-minister-najib-razak
Napagkasunduan sa expanded bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Najib Razak na magkaroon ng serye ng pag-uusap sa pagitan ng mga defense minister ng dalawang bansa kaugnay sa pagpapanatili ng seguridad sa Sulu-Sulawesi Sea.

Kinumpirma rin ni Prime Minister Razak na nagbigay ng pahintulot ang Philippine government na magsagawa ng hot pursuit operations sa territorial waters ng bansa upang labanan ang mga terror group.

Ang mga mandaragat na dumaraan sa naturang lugar ang kadalasang nabibiktima ng kidnap for ransom ng bandidong grupong Abu Sayyaf.

Nagkasundo ang dalawang head of state na kinakailangan pang mas maigting ang kooperasyon sa pagitan ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas upang tuluyang maresolba ang suliraning ito ng terorismo at kriminalidad.

Tags: , ,