Hongkong nakataas ang alerto kaugnay ng Electoral Reform Vote sa Biyernes

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1567

HONGKONG
Nakataas na sa high alert ngayon ang Hongkong dahil sa nakaambang malawakang kilos protesta.

Ito ay kaugnay ng botohang isasagawa sa Biyernes sa panukalang Electoral Reform sa Hongkong.

Pinaigting ang seguridad sa buong lungsod kabilang na sa mga government building at mga train station.

Ayaw na maulit ng gobyerno ang nangyaring mass democracy protest noong nakaraang taon na pumaralisa sa Hongkong.

Una nang inaresto ng Hongkong ang siyam na suspek na umano’y balak gumawa ng mga pampasabog na posibleng gamitin sa malawakang kilos protesta

Tags: