Pinaiiwas muna ng Hong Kong Government ang kanilang mga mamamayan sa pagbiyahe sa South Korea sa gitna ng outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERSCoV.
Sa ilalim ng travel alert, kanselado muna ang biyahe ng mga eroplano pa-South Korea mula ngayon hanggang June 30.
Bagaman hindi kasama sa notice ang biyahe ng Cruise Ships, 600 to 700 group tours pa rin ang kinansela ng Travel Industry Council of Hong Kong kung saan aabot sa 12,000 pasahero ang maaapektuhan.
Ayon kay Travel Industry Council of Hong Kong Executive Director Joseph Tung, mas makakabuti sa industriya ang inilabas na red alert status ng pamahalaan dahil magbibigay ito ng sapat na panahon upang maiayos ng travel compaines ang compensation sa mga apektadong pasahero.
Ang Red Alert Status ay nangangahulugan ng “Significant threat” kung saan ipinapayo ang pagpapabliban sa mga biyahe papuntang South Korea kung hindi naman kinakailangan.
Tags: Hong Kong Government, Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus, Travel Industry Council of Hong Kong Executive Director Joseph Tung