Holiday rush, posileng maranasan na sa susunod na linggo – I-Act

by Radyo La Verdad | December 6, 2016 (Tuesday) | 1394

mon_holiday-rush
Ang malaking volume ng mga sasakyan at mga nakabinbing road at infrastructure projects ang ilan sa mga dahilan ng mabigat na traffic ngayon.

Kasabay pa nito ang pagdami ng mga namimili at namamasyal sa mga mall bunsod ng papalapit na holiday season.

Kaugnay nito, nagbabala ang Metro Manila Development Authority sa posible pang pagbigat ng traffic sa EDSA lalo na sa mga kalsadang malapit sa malls.

Tinukoy na rin ng I-Act ang mga lugar na dapat iwasan ng mga motorista kabilang na ang Roxas Blvd, Osmeña Blvd at A.Bonifacio na ruta ng malalaking delivery trucks

Pinaiiwasan na rin ang Divisoria Area, Jose Abad Santos at Plaza Ruiz dahil sa pagdayo ng holiday shoppers.

Mabigat na traffic rin ang maaaring maranasan sa Blumentritt at Aurora Boulevard, V-Mapa Extension at Ramon Magsaysay Boulevard dahil daanan ito ng mga sasakyan mula sa Quezon City at San Juan Area.

Makakadagdag naman sa volume ng mga sasakyan lalo na sa mga tollgate sa NLEX at SLEX kapag naglabas na ang ltfrb ng special permits.

Inaasahan na sa susunod na linggo ay dadagsa na rin sa mga bus terminal, airport at mga pantalan ang mga pasaherong uuwi sa mga probinsya para sa holiday season.

Tiniyak naman ng ahensya na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang kahit papaano ay maibsan ang problema sa trapiko.

Payo rin ng I-Act sa publiko na planuhing mabuti ang lakad at humanap ng mga alternatibong ruta upang makaiwas sa abala.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,