Hog Raisers Group, nanawagang magkaroon ng Suggested Retail Price sa karne ng baboy

by Radyo La Verdad | December 28, 2023 (Thursday) | 7444

METRO MANILA – Nanawagan ang isang grupo ng mga hog raiser na lagyan o magkaroon ng Suggested Retail Price (SRP) sa karne ng baboy sa bansa.

Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines o Pro-Pork, mahal ang retail price ng karne ng baboy sa kasalukuyan.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), umaabot sa P340 ang kasim, habang nasa P400 ang pinakamataas na presyo ng liempo.

Ayon sa grupo, dapat ay hindi lalagpas sa P350 ang presyo ng karne ng baboy sa mga palengke.

Sa ngayon anila ay nasa P150 hanggang P180 lamang ang farmgate price o presyo ng buhay na baboy.

Pangamba ng grupo na baka maapektuhan ang lokal na produksyon dahil mawawalan na ng gana ang mga hog raiser lalo na’t apektado pa rin sila ng African Swine Fever (ASF).

Gaya ng pro-pork, may hinagpis din ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pagpapalawig ng mababang taripa sa karne ng baboy, bigas at mais.

Katwiran ng mga ito, hindi nararamdaman ng mga consumer at lugi pa ang gobyerno ng P20-B kada taon dahil sa mga inalis na buwis sa importasyon.

Ayon naman sa National Economic and Development Authority (NEDA), hindi biro ang pagbabantay kung maglalagay ng SRP sa karne ng baboy.

Tags: , , ,