Kapag panahon ng holiday season, pinakamabenta sa mga grocery at pamilihan ang mga produktong gaya ng manok,baboy, pasta, fruit cocktails, condense milk at iba pang mga produkto.
Kaugnay nito may panawagan ang Department of Trade and Industry sa publiko na iwasan ang labis na pagiimbak ng mga nabanggit na produkto habang hindi pa sumasapit ang holiday season.
Paliwanag ni DTI Undersecretary Teodoro Pascual, ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng artifical shortage sa mga produkto na maaring makaapekto sa market stability.
Ang market stability ay isang estado kung saan nagkakaroon ng hindi tamang paggalaw sa suplay at demand ng mga produkto.
Pakiusap ng DTI sa mga consumer, bumili lamang ng tamang bilang na naayon sa kanilang pangangailangan.
Samantala, bukas ay nakatakda namang ipatawag ng DTI ang mga manufacturer, upang mapagusapan ang suplay,demand at presyo ng ilang produkto, bilang paghahanda sa nalalapit na holiday season.
Sa ngayon ay tiniyak naman ng ahensya na mayroon pang sapat na suplay at nanatiling stable pa rin ang presyo ng mga ito.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: DTI, Hoarding ng holiday season food products, posibleng magdulot ng market instability