Iba-blacklist ng Pilipinas ang Hong Kong employers na ilegal na nagsisante sa mga overseas Filipino worker (OFW) na na-infect ng COVID-19 ayon sa Philippine Consulate General in Hongkong Raly Tejada.
Dagdag pa ni Tejada, kapag napatunayan na ilegal na nagpaalis ng empleyado ang mga employer ay magiging liable sila sa paglabag sa employment ordinance ng Hongkong.
Makikipag-coordinate naman ang Consulate General sa labor department ng Hong Kong upang matiyak na haharap sa kaso ang mga employer na ilegal na nanibak ng OFWs.
Ayon kay Tejada, naging magulo ang mga pangyayari nitong nakaraang linggo at ilan sa mga Filipino ang nawalan ng tirahan sa iba’t ibang dahilan at ilan dito ay dahil sa biglaang pagkawala ng hanapbuhay.
Karamihan sa mga employers ay muli nang kinuha ng kanilang employers, samantala, limang employers ay nangangailangan pa ng masusing imbestigasyon.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)