Hiwalay na vaccination days para sa mga batang 5-11 y/o, suhestiyon ng PMA

by Radyo La Verdad | January 27, 2022 (Thursday) | 1560

Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang Covid-19 vaccination roll-out para sa mga batang limang hanggang labing-isang taong gulang, na uumpisahan sa February 4.

Kaugnay nito, nais sana ng Philippine Medical Association (PMA) na magkaroon ng hiwalay na bakunahan para sa mga bata na nasabing age group, upang maiiwas ang mga ito sa overcrowding sa mga vaccination site.

“Sana magkaroon ng national vaccination days para mas concentrated po ang ating mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa mga vaccination center”, ani Dr. Benito Atienza, President, Philippine Medical Association (PMA).

Ayon kay PMA president Doctor Benito Atienza, magkaiba ang formulation ng mga bakunang gagamitin sa 5 to 11 years old. Kaya makabubuti sana kung ibubukod ang lugar ng kanilang bakunahan.

Suhestsyon ng doktor, dapat pilipiin ang maluluwag na lugar para sa pagbabakuna ng mga bata.

Mas makakabuti rin aniya kung magkakaroon ng telebisyon sa mga vaccination sites kung saan maari makapanood ng videos ang mga bata upang hindi sila mainip habang naghihintay sa pila.

“Sana ma-separate ang bakunahan ng mga bata doon sa adult kasi iyong mga adult may mga boosters—halo-halo iyan, first dose, second dose kasi iba ang bakunang ibibigay sa mga bata pero may mga specific vials”, dagdag ni Dr. Benito Atienza.

At dahil nalalapit na ang bagbabakuna sa mas nakakababatang age group, hinikayat ng PMA ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak.

Iminumungkahi ng samahan na kung maari ay magdaos sana ng hiwalay na national vaccination days ang pamahalaan na nakasentro lamang sa pagbabakuna sa mga bata.

Isa sa mga inaalala ng PMA, ay maaring nagaalangan ang mga magulang na dahil sa mga vaccination centers ang kanilang mga anak dahil sa conflict sa trabaho. Kaya naman maigi anila kung itatakda ang bakunahan tuwing weekend.

Nauna nang sinabi ng National Task Force Against Covid-19 na isasagawa ang pagbabakuna sa tig-2 venue sa kada siyudad sa National Capital Region.

Sa ngayon wala pang bagong schedule na itinatakda ang pamahalaan para sa national vaccination days, matapos na magkasakit ang karamihan ng mga health workers na katuwang rin sa pagbabakuna sa mga vaccination center.

Aileen Cerrudo | UNTV News

Tags: , ,