Batay sa COMELEC Resolution Number 10148, itinakda ng Commission on Elections ang registration para sa October 31 barangay at Sangguniang Kabataan elections sa July 15 to 30.
Makakaboto para sa SK polls ang may edad 15 hanggang 30 taong gulang.
Bukod sa registration inaprubahan na rin ng COMELEC ang calendar of activites para sa darating na halalan.
Ito ay sa kabila ng pahiwatig ni COMELEC Chairman Andres Bautista na gusto nilang ipagpaliban na lamang ang halalan at isabay na lamang sa panahong mamimili na ang taumbayan ng mga deligado para sa constitutional convention.
Ayon kay Bautista kung magkakaroon ng postponement, makatitipid ang pamahalaan ng 5 hanggang 6 na bilyong piso.
Tutol naman si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa panukalang ipagpaliban eleksyon sa Oktubre lalo’t kailangan ng panibagong batas para dito.
Aminado naman si COMELEC Commissioner Luie Tito Guia na makakatipid nga ang gobierno kung pagsasabayin na lamang ang halalan subalit ayaw muna nilang pag-usapan sa en banc ang postponement issue.
(Victor Cosare/UNTV Radio)