Didinggin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Abril 6, ang hirit ng fare adjustment para sa transportation network vehicle service.
Nagpasya ang LTFRB na repasuhin ang umiiral na fare rate ng mga TNV gaya ng Uber at Grab matapos ang mga development sa global oil market.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, aalamin anya sa pagdinig kung kailangang taasan o babaan ang pasahe sa mga nabanggit na transport service.
Maglalabas ang board ng notice of hearing sa mga diyaryo labing limang araw bago ang petsa ng pagdinig.
Bago naman sumapit ang Abril 6 kailangan ng makapagsumite ng written opposition ang mga kokontra sa approval sa fare adjustment at maghain ng position papers sa ahensya.
(UNTV NEWS)
Tags: Land Transportation Franchising and Regulatory Board, transportation network vehicle service