Hinihinalang tulak ng droga sa, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Caloocan City

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 1570

Natagpuan sa madilim na eskinitang ito ang isang lalaking nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. 73 DM Compound Caloocan City.

Pasado alas onse kagabi nang magsagawa ang mga tauhan ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) ng buy bust operation laban sa suspek na kinilalang si Rodel Tayag, alyas Odeng, 33 anyos.

Sa inisyal na ulat ng NPD-DEU, nagpanggap na bibili ng isang sachet ng shabu ang isang operatiba, ngunit nang matunugan ng suspek na pulis ang katransaksyon, dito na umano siya bumunot ng baril.

Ngunit naging mabilis ang mga pulis at nauhan ang suspek at napatay ito. Nabatid ng pulisya na labas-pasok na rin ang suspek sa kulungan dahil sa droga.

Ayon sa kapitan ng barangay, maraming na talagang nagrereklamo laban sa suspek sa pamamagitan ng PNP Info Text.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang 9mm na baril, at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Nanawagan naman ang pulisya sa ating mga kababayan na maaaring silang makipagtulungan sa pagsugpo ng droga sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagtext at pagtawag sa hotline number ng National Capital Region Police Office sa numerong 0915-888-8181 o 0999-901-8181.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )