Hindi nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) ang ilang kilo ng illegal drugs na ipupuslit sana sa bansa.
Itinago sa mga laruang manika at lego blocks ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu at isang daang gamo ng kush weeds na nagkakahalaga ng sampung milyong piso.
Natuklasan ng BOC ang mga droga nang idaan ng Customs examiner sa x-ray scanner ang mga kahon.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapena, galing ng California sa Amerika ang shipment. Dumating ito sa bansa noong ika-28 ng Marso at ika-18 ng Abril.
Nag-iiba na rin aniya ang taktika ng mga sindikato dahil mga laruan na ang ginagamit sa pagpapadala ng iligal na droga.
May market na rin umano sa bansa ang kush weeds na mas mahal kumpara sa marijuana.
Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga otoridad ang 2 consignee ng shipment. Sa General Trias, Cavite sana idedeliver ang nasabat na droga.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: BOC, kush weeds, shabu