Ayaw nang patulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya ng self confessed hitman at umano’y dating miyembre ng Davao Death Squad na si retired SPO3 Athur Lascañas.
Sa talumpati ng Pangulo sa Philippine Councilor’s League Congress sa World Trade Center sa Pasay City kagabi, sinabi nito na matagal na at paulit-ulit na lamang ang mga paratang na ipinupukol sa kanya
Sa halip na sagutin ang mga ito, mas nanaisin ni Pangulong Duterte na gampanan na lamang ang kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.
Binanggit ng Pangulo ang pilosopiya ni dating United States President Abraham Lincoln na nagsilbing halimbawa niya kung papaano haharapin ang mga kritisismo.
Nakahanda rin ang punong ehekutibo na harapin ang magiging epekto ng kanyang mga naging hakbang at desisyon.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)
Tags: Hindi pagsagot, mga alegasyon, Pangulong Duterte, SPO3 Lascañas