Hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang mataas na opisyal ng Comelec, naresolba na

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 4832

ARTHUR-LIM
Kumpleto ang pitong miyembro ng Comelec en Banc ng humarap sa media matapos ang isinagawang meeting ngayon martes.

Ayon kay Comelec Senior Commissioner Arthur Lim, naayos na ang problema nina Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon.

Subalit hindi idinetalye ang resulta ng pag- uusap at tumanggi ding tumanggap ng mga tanong ang mga miyembro ng en banc.

Nitong weekend nagkaroonngpagtatalo si Guanzon at Bautista na nag ugat sa pagkwestyon ng poll chief sa pagsusumite ng comment ni Guanzon sa Supreme Court kaugnay sa petisyon ni Senator Grace Poe laban sa desisyon ng Comelec na hindi ipinakita o ipinabasa sa mga miyembro ng en banc.

Ngunit ayon kay Lim nalutas na ang problema at ang di pagkakaunawaan ay normal na nagyayari sa isang collegial body.

Sinabi ni Lim nagkakaisa ang mga miyembro ng en banc upang masigurong malinis, maayos, mapayapa at matapat ang darating na national elections.

Ayon sa tagapagsalita ng Comelec, si Lim ang namagitan upang maayos ang gusot nina Bautista at Guanzon.

Nagdesisyon na rin ang en banc na iratify na lamang ang comment na isinumite ni Guanzon sa Korte Suprema.

Bukod sa pagresolba, natalakay din sa pulong kung paano kikilos ang comelec sakalaing maulit ang sitwasyon na hindi sila irerepresent ng solicitor sa kanilang mga kaso.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , , ,