Hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa ilang ASEAN Related Summits, walang epekto sa imahe ng Pilipinas – DFA

by Radyo La Verdad | November 16, 2018 (Friday) | 11405

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na walang napabayaan si Pangulong Rodrigo Duterte at wala ring epekto sa imahe ng Pilipinas ang mga hindi nito nadaluhang ASEAN Related Meetings noong araw ng Martes.

Apat na ASEAN Related Summits ang hindi dinaluhan ng punong ehekutibo.

Ayon sa kalihim, ginagawa rin ito ng ibang heads of states.

Una nang sinabi ng palasyo na nagpower-nap ang Pangulo araw ng Miyerkules dahil sa napuyat noong Martes ng gabi.

Naniniwala naman ang political analyst at DEAN na si Maria Fe Mendoza na ang schedule sa Singapore ASEAN 2018 Summit ay akma sa schedule ng mga heads of states.

Maaari aniyang may mga personal na rason si Pangulong Duterte sa pag-skip sa mga naturang events.

Gayunman, ang opisyal niyang hindi pagdalo ay nagpapakita umano ng kawalan ng solidarity ng lider ng Pilipinas sa ASEAN.

Kinuwestyon naman ni Pangulong Duterte ang mga sumisilip sa ginawa niyang power nap kahapon.

Iniuugnay ng iba ang kaniyang pag-skip sa ASEAN Related Summits sa kalagayan ng kaniyang kalusugan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,