METRO MANILA – Obligadong magparehistro sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng kumikita online kabilang na rito ang mga social media influencer.
Ayon kay BIR Commissioner for legal group, atty. Marissa cabreros, kailangang ideklara nila ang kanilang kinikita sa ibat-ibang online platforms
“Basta lahat po ng ating mga nasa online ang means of kita, kumikita sila binabayaran sila sa kahit anong klase ng serbisyo na ginagawa online, lahat po ng taxpayers indibidwal at korporasyon na tumatanggap ng income incash or inkind na ginagamit ang media site or any other platform at any activity perform on those sites and platform basta kumikita sila because of it sila po ang tinutukoy natin na kailangang magrehistro, yun nga lang po ang mga famous as example are our youtubers, yung naglive streaming sa facebook instagram twitter tiktok reddits snapshot and all other platforms po.” ani BIR Deputy Commissioner for Legal Group, Atty. Marissa Cabreros.
Pero paglilinaw ng BIR, hindi kasama rito ang mga small-time earners o yung mga maliliit lamang ang kinikita sa social media platform.
“Kung yung annual net income ninyo sa buong taon is hindi naman lalagpas sa 250,000, zero percent ang tax rate niyan so walang babayarang income tax kaya yung sinasabi ng iba na maliit lang kami walang gaanong kinikita wala silang dapat ikatakot” ani BIR Deputy Commissioner for Legal Group, Atty. Marissa Cabreros.
Nagbabala naman ang ahensiya na maaaring kasuhan ng tax evasion ang mga kumikita ng malaki online tulad ng social media influencers na hindi magdedeklara ng kanilang kinikita at hindi pagbabayad ng buwis.
Ayon sa opisyal maaari din silang makasuhan sa hindi pagrerehistro ng kanilang negosyo, hindi pag-i-isyu ng resibo at tax fraud.
Posible ring makulong ng hindi bababa sa 6 na taon at pagmultahin ng hanggang P10-M ang sinomang hindi magbabayad ng tamang buwis.
Iginiit din ng BIR na ginagawa lamang nila ang kanilang mandato na habulin at papanagutin ang mga tax evaders.
(Marvin Calas | UNTV News)
Tags: BIR, social media
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com