Hindi bababa sa tatlo ang nasawi habang nasa 20 naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa isang social services agency sa San Bernardino California tatlong oras na ang nakakaraan.
Ayon sa twitter account ng San Bernardino Police, mayroong tinatayang isa hanggang tatlong suspek sa crime scene.
Ayon sa mga otoridad, patungo na sa lugar ang firearms and explosive agents upang i-diffuse ang isang hinihinalang explosive device na patungo sa lugar
Ini-evacuate na ang mga tao sa loob ng pasilidad kung saan nanyari ang pamamaril
Sa kasalukuyan ay naka-lockdown ang buong waterman avenue, gaya ng mga ospital at paaralan habang hindi pa nahuhuli ang mga suspek.
Tags: California, mass shooting incident