Pormal ng inindorso ni US President Barack Obama ang kapwa Democrat na si Hillary Clinton para sa pagka-presidente.
Handa na umano ang pangulo ng Estados Unidos na samahan si Clinton.
Nagkalaban sina Obama at Clinton sa 2008 Democratic Primary na pinagwagihan ng kauna-unahang black president ng Amerika.
Samantala matapos makipagusap kay Obama tiniyak ni Senator Bernie Sanders na makikipagtulungan ito kay Clinton sa kandidatura nito laban sa Republican presumptive nominee na si Donald Trump.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com