Hillary Clinton, opisyal nang Democratic Presidential Candidate

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 4003
Hillary Clinton(REUTERS)
Hillary Clinton(REUTERS)

Tinanghal na kauna-unahang babaeng presidential candidate ng isang major party si Secretary Hillary Clinton sa kasaysayan ng America, matapos na opisyal na i-nominate na presidential candidate ng Democratic party kanina sa Philadelphia.

Unity ang naging tema ng Democratic National Convention habang ginaganap ang state roll call at pagboto ng mga ito.

Sa South Dakota nakakuha ng pinakamaraming bilang ng delagates ang dating U.S. Secretary of State na umabot sa 2,383 votes.

Kabuuang 2,842 votes ang nakuhang boto ni Clinton samantalang 1,856 votes naman si Sanders.

Bilang tanda naman ng pagkakaisa ng mga Democrats ay opisyal na hiniling ni Senator Bernie Sanders na katunggali ni Clinton sa Democrat Primary na suspindihin ang voting policy at saka ni-nominate si Clinton.

Matapos nito ay tinanong ng secretary general ng partido sa pamamagitan ng acclimation vote kung pabor ang mga delegado mula sa lahat ng estado.

Samantala, bago matapos ang 2nd day ng convention, isang madamdaming speech ang isinagawa ni former US President Bill Clinton na inilarawan ang naging buhay nila bilang mag-asawa.

Bukas ay opisyal namang tatanggpin ni Clinton ang nominasyon bilang presidential candidate ng Democratic party kasama ng kanyang napiling vice president na si former Virginia Governor Tim Kaine.

(Sonny Cos / UNTV Correspondent)

Tags: ,