Karapatan ni Senator Leila de Lima na makapag-participate sa sesyon sa Senado.
Ito ang iginiit ng minority senators.
Kasunod ito ng pahayag ni Sen. de Lima na nais nitong dumalo sa deliberasyon ng panukalang pagbuhay sa death penalty, pagpapababa ng criminal age responsibity at pagpapaliban sa barangay elections.
Kasalukuyan nang inaasikaso ng kanyang legal team ang mga dokumentong kanilang isusumite sa korte.
Sa pagdalaw nina Senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes at Risa Hontiveros kay de Lima kahapon sa PNP Custodial Center.
Pinag-usapan umano nila ang mga nakabinbing panukalang batas na posibleng talakayin sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw.
Kinumpirma naman ng kanyang mga kasamahan na nasa maayos na kondisyon si Sen. de Lima.