Hiling ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapunta sa burol ng pumanaw na kapatid, partially granted

by Radyo La Verdad | August 11, 2015 (Tuesday) | 1403

File Photo
File Photo

Pinayagan ng Sandiganbayan si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na pumunta sa burol ng kanyang pumanaw na kapatid na si Arturo dela Rosa Macapagal sa Heritage Park sa Taguig City.

Si Arturo ay namatay kaninang umaga sa edad na pitumput dalawa dahil sa stage 4 prostate cancer.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 1st Division, partially granted ang mga hiling ni Arroyo na makapunta sa Heritage Park.

Sa halip na mula ala-una hanggang alas-10 araw-araw,

Pinayagan lamang ito ng Korte na makapunta sa burol ngayon, bukas at sa biyernes mula alas-kwatro hanggang alas-otso ng gabi.

Ayon naman kay Atty Laurence Arroyo, Abogado ni Gloria Arroyo maghahain pa sila ng supplemental motion upang ipaalam din sa Korte ang oras naman ng libing sa sabado.

Pinaalalahanan naman itong Korte na hindi siya maaaring magpaunlak ng media interviews at siya ang sasagot sa gastusin ng paglabas at pagbalik nito sa Veterans Memorial Medical Center.

Inatasan din ng korte si PNP Dir. Ricardo Marquez na sigurihin ang private escorts ni Arroyo at ang supervision sa mga communication gadgets na maaaring gamitin nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napagbigyan si Arroyo sa ganitong mga hiling, dahil Nobyembre ng nakaraang taon pinayagan din siyang makidalamhati sa kanyang pamilya nang namatay naman ang kanyang apo. (Joyce Balancio / UNTV News)

Tags: ,