Hiling ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos na system audit, isinantabi ng COMELEC

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 1513

VICTOR_BAUTISTA
Hindi binigyang konsiderasyon ng Commission on Election ang hiling ng kampo ni Vice Presidential Candidate Ferdinand Marcos Junior na ma-audit ang mga sistemang ginamit sa nagdaang halalan.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, nagkaisa ang mga miyembro ng En banc na isantabi muna ang kahilingan hanggang matapos ang canvassing ng kongreso sa presidential at vice presidential race.

Una nang hiniling ng kampo ni Marcos na ma audit ang transparency server at central server matapos ang ginawang script alteration ng Smartmatic sa transparency server.

Samantala, payag ang poll body na isang non-partisan at qualified it personnel na manggagaling sa Department of Science and Technology o galing sa COMELEC Advisory Council ang magsagawa ng audit sa mga sistemang ginamit sa 2016 elections.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,