Magpagpupulong sa mga susunod na linggo ang LTFRB para pag-usapan ang hinihiling na pisong dagdag pasahe ng iba’t-ibang transport groups.
Ayon sa opisyal na pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III, kukunsultahin din nila ang National Economic Development Authority (NEDA) ukol dito.
Isa sa mga humihiling ng taas pasahe si Mang Renante na labinlimang taon nang driver ng pampasaherong jeep.
Sabi niya, kapos talaga ang kaniyang kinikita sa pamamasada, lalo na’t tatlong anak niya ang nag-aaral sa high school at kasama rin niya sa bahay ang kaniyang mga magulang at kapatid.
Ayon naman kay Mang Ruel, dati siyang kumikita ng 900 piso sa maghapong pamamasada.
Pero dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, 300 hanggang 400 pesos na lang ang kanilang naiuuwi sa ngayon.
Hati naman ang pananaw ng mga commuter sa isyu. Pinaboran naman ng ilang commuter ang panukalang pagtatas ng pamasahe.
( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )
Tags: fare hike, jeepney operators, LTFRB