Hiling na palawigin ang martial law, kinuwestyon ng ilang senador sa security briefing ng AFP at Defense officials

by Radyo La Verdad | July 19, 2017 (Wednesday) | 2329


Pangunahing tinalakay sa executive session ng mga senador at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Defense Department ang tungkol sa naging estado sa pagpapatupad ng martial law sa Mindano.

Pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon ang security briefing.

Ayon kay Senator Grace Poe, tinanong niya ang tungkol sa pangangailangan ng extension ng batas militar.

Si Senator Risa Hontiveros naman ay hindi pa makapagdesisyon at nais pa niyang iakyat hanggang sa special joint session sa Sabado ang kaniyang mga tanong.

Naniniwala naman si Secretary Esperon na suportado ng mayorya ng mga senador ang hakbang na ito ng pangulo.

Ang usapin sa martial law ay hindi lamang aniya tungkol ito sa pagsugpo ng terorismo sa Mindanao kundi ang pagsusulong rin naman ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,