Hiling na martial law extension sa Mindanao, posibleng talakayin sa joint session ng Kongreso sa Miyerkules

by Radyo La Verdad | December 11, 2018 (Tuesday) | 9236

Ipinaliwanag ng security officials sa mga senador sa isinagawang executive session kahapon ang mga dahilan kung bakit inirekomenda nila ang pagpapalawig pa ng martial law sa rehiyon ng Mindanao.

Nais nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año at AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. na i-extend pa ng isang taon ang batas militar. Tila nakumbinsi naman ang liderato ng Senado sa naging paliwanag ng mga opisyal.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, maaari niya itong ikonsidera dahil sa usapin ng rebelyon. Payag naman si Senator Ralph Recto ngunit para lamang sa anim na buwan na extension ng martial sa Mindanao.

Ayon kay Sen. Sotto, maaaring sa Miyerkules ay matuloy ang joint session ng Kongreso upang talakayin ang hiling na ito na 1 year martial law extension.

Ika-23 ng Mayo 2017 nang unang isinailalim sa batas militar ang Mindanao matapos umatake ang Maute group sa Marawi City.

Na-iextend pa ang martial law implementation ng hanggang ika-31 ng Disyembre 2017 at muli itong pinalawig hanggang ika-31 ng Disyembre 2018.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,