Wala pang natatanggap na formal request ang MMDA hinggil sa panukala ni House Majority Floor Leader Rudy Fariñas na i-exempt ang mga kongresista sa minor traffic violations.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang mga kundisyon na nais hilingin ni Fariñas kaya’t tumanggi muna itong magkomento sa isyu. Paliwanag ng MMDA, maari namang silang magbigay ng exemptions subalit kinakailangan muna itong isangguni at paabruhan sa buong Metro Manila Council.
Bukod sa mga batikos ng netizens, tinututulan rin ng ilang kongresista ang panukalang ito ni Fariñas. Kabilang sa mga ito, sina Albay First District Representative Edcel Lagman, Navotas Lone District Representative Toby Tiangco, Bayan Muna Representative Carlo Zarate at iba pa.
Samantala, umaasa naman ang Malakanyang na tutularan ng mga kaalyado sa Kongreso ang polisiya ng administrasyong Duterte na walang special treatment sa mga tauhan ng gobyerno lalo na sa pagpapatupad ng batas.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )
Tags: Fariñas, Metro Manila Council, minor traffic violations