Hiling na emergency powers ni Pangulong Duterte, posibleng madesisyunan ng senado bago matapos ang 2016

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 1593

HEARING
Ilang representante ng iba’t ibang ahensya ang dumalo kahapon sa hearing ng Senate Committee on Public Services patungkol sa usapin ng pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilang problema ng sektor ng transportasyon na kinakailangan nang solusyonan ng pamahalaan sa lalong madaling pahanon, ang inilatag sa pagdinig.

Matinding trapiko sa Metro Manila, delayed flights at congested airports, dami ng terminal ng bus sa EDSA, kakulangan ng bagon ng mga tren, ilan lang iyan sa problemang inilahad ni Department of Transportation Sec. Arthur ugade sa hearing sa senado.

Aniya marami sa mga ito ay masolusyonan ng emergency powers ng Pangulo.

Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang procurement at pagaapruba ng mga kinakailangangan proyekto para sa mga pantalan, airports at iba pang transportation systems.

Natalakay ang pagkakaroon ng syncrhonized traffic management, at ang pagupo ni DOT Secretary Tugade bilang chairman din Ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA upang tutukan ang problema sa trapiko.

Ayon naman kay Sen. Leila De Lima, tanging ang presidente lang ang maaaring mabigyan ng emergency powers, ngunit sagot ni Sen. Poe, pwedeng magdelegate ng presidente sa kanyang mga kalihim.

Bagaman bukas ang senado sa pagbibigay ng emergency powers, binigyang diin ni Sen. Poe na hindi ito magiging “absolute” dahil kailangan munang kilatisin ng senado ang mga programa ng ahensya.

Dapat sumusunod ang mga proyekto sa executive order on freedom of information kung saan isasapubliko ang mga detalye ng proyekto.

Ayon naman kay DOT Sec. Arthur Tugade, walang dapat ikabahala ang publiko sa hinihinging emergency powers.

Ito lang din aniya ang nakikita nilang solusyon upang maisakatuparan agad ang mga solusyon sa problema ng transportation sector.

Ayon kay Sen. Grace Poe, inaasahan nilang bago matapos ang 2016 ay makapagdesisyon na sila sa usapin ng emergency powers. Sagot naman ni Sec. Tugade, sana ay mas mapabilis na nila ang desisyon dahil tumatakbo na ang first 100 days ng administration.

Sa Aug 24 , nakatakdang ipagpapatuloy ang pagdinig ng senado at iimbitahan ang ilang miyembro ng local government units, Department of Budget and Management at National Economic Development Authority o NEDA at iba pang ahensya.

(Joyce Balancio/UNTV Radio)

Tags: