Higit tatlong trilyong pisong 2016 Proposed National Budget, isinumite na ng DBM sa Kongreso

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 2460

BUDGET
Gaya ng ipinangako ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA kahapon, isinumite na kanina ng DBM sa mababang kapulungan ng kongresoang 3.002-trillion pesos 2016 Proposed National Budget.

Mas mataas ng 15-porsiyento ang 2016 proposed National Budget kumpara sa P2.606-trillion na budget ngayong 2015.

Nangunguna sa mga ahensyang may pinakamalaking pondo sa susunod na taon ay ang Department of Education na may P435.9 billion. Mas mataas ito sa kasalukuyang pondo ng DepEd na nasa P377.7 billion lamang.

Tumaas din ang proposed budget ng DPWH mula sa kasalukuyang P304.1 billion ay umakyat sa P394.5 billion .

Ang Department of National Defense nadagdagn ng P18 billion , mula sa P154.1 billion ngayon at P172.7 billion

Kasama sa mga tumaas ang panukalang pondo ay ang Department of the Interior and Local Government na may P154.5 billion, Department of Health – P128.4 billion, Department of Agriculture – P93.4 billion, Department of Finance na tumaas ng mahigit 200 porsiyento at DENR na may P25.8 billion.

Samantala bumaba naman ang panukalang pondo ng Department of Social Welfare and Development na mula sa kasalukuyang P108.3 billion ay bumama sa P104.2 billion pesos.

Nabawasan din 17% ang pondong ibinigay sa DOTC mula P54.4 billion ngayon ay P49.3 billion.

Naglaan din ang DBM ng P1.5 billion para sa MRT capacity expansion, at P3.65 billion para sa MRT subsidy operation.

Mayroon ding P29.4 -para sa ARMM subsidy at P24.7 billion- bottoms up budgeting.

Base rin sa isinumite ng DBM, walang pondong inilaan para sa dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay DBM Secretary Butch Abad wala lang inilaan ipondo para BBL dahil hindi pa naman ito naisasabatas sakaling maisabatas man ito hahanapan na lamang daw ito ng pondo ng gobyerno.

Sinabi naman ni Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab sa August 10 ay agad sisimulan ng kongreso ang budget deliberation.

Tags: