Posibleng ipatupad ngayong Linggo ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa pagtaya ng oil industry players, posibleng umabot mula P1.20 hanggang P1.40 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.
95-centavos hanggang P1.10 naman ang posibleng mabawas sa presyo ng diesel habang 80-centavos hanggang 95-centavos kada litro ang matatapyas sa kerosene.
Ang rollback ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Mamayang gabi,posibleng malaman na ang eksaktong halaga ng bawas-presyo na ipatutupad naman ng Martes ng madaling araw.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com