Higit P60M ng pananim sa Cotabato, apektado ng tagtuyot

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 5672

RICETRADING 031315

Mahigit P60 milyon ang mga nasirang pananim sa Cotabato dahil sa mainit na panahon.

Apektado ng tag-init ang mahigit 4,000 ektarya ng taniman ng bigas, mais at saging.

4, 539 magsasaka naman mula sa mga bayan ng Alamada, Banisilan, M’lang, Pigcawayan, Antipas, Kidapawan at Matalam, ang apektado ng tagtuyot.

Ipinahayag ni Cotabato provincial agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan, na ngayon lang ulit nakaranas ng tag-tuyot ang lalawigan matapos ang halos anim na taong pag-ulan at baha.

Sa kabila ng pinsala, tiniyak ng agriculturist na hindi magiging malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng probinsya at hindi magtataas ang presyo ng mga pananim.

Tags: , , , , ,