Higit 900,000 guro sa bansa, tatanggap ng performance based bonus

by Radyo La Verdad | September 15, 2023 (Friday) | 18220

METRO MANILA – Tinatayang mahigit P11-B pondo ang ni-release ng Department of Budget Management (DBM) para sa performance based bonus para sa mga teaching personnel ng Department of Education (DepEd).

Nakabatay ang matatanggap na bonus ng mga guro mahigit 900,000 mga guro sa elementarya at Sekondarya sa mga pampublikong eskwelahan sa fiscal year 2021.

Ayon sa DBM, nitong September 1, 2023 lahat ng 16 regional offices ng DepEd ay nag-release ng corresponding Special Allotment Released Order (SARO) at Notice of Allocations (NCA) para sa mga school based personnel.

Isinagawa ng DBM ang evaluation at validation ng mga inisyung SARO at NCA base sa mga ipinasang updated documents na isinumite ng DepEd nitong buwan ng Abril hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.

Dagdag ng DBM, ang final evaluation assessment para sa Department of Education ay inilabas ng Inter Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring and Reporting System nitong Janaury 2023.

Naninindigan din ang DBM na susuportahan ang mga tagapagturo sa ating bansa at kilalanin ang kanilang mga pambihira at walang kapagurang paggawa.

(Gerry Galicia | UNTV News)

Tags: , ,