Higit 7,200 aspiring lawyers, sumabak sa unang linggo ng bar examinations

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 3036

Bukang-liwayway pa lang, nagsidatingan na sa University of Sto. Tomas ang libo-libong bar examinees bitbit ang kanilang transparent bags at containers para sa unang linggo ng 2017 bar exams.

Political Law and Public International Law at Labor and Social Legislation ang coverage ng examinations kahapon.

Batay sa ulat ng Korte Suprema, nasa 7,227 ang bilang ng admitted candidates para sa bar examinations ngayong taon. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa nakalipas na apat na taon. Present naman sa 1st Sunday ng bar exam ang mga kaibigan at kaanak ng mga examinee.

Mahigpit naman ang seguridad na ipinatutupad ng PNP sa lugar katuwang ang NBI, MMDA at Philippine Coast Guard. Pinaiiral din ang liquor ban sa vicinity ng UST.

Isasagawa ang 2017 bar examinations sa 4 consecutive Sundays ng Nobyembre.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,

Mahigit 8,000 aspiring lawyers, nakakumpleto ng bar exams hanggang sa huling araw nito kahapon

by Radyo La Verdad | November 26, 2018 (Monday) | 10680

Mapayapang natapos kahapon ang 2018 bar exams sa University of Sto. Tomas kung saan mahigit walong libong aspiring lawyers mula pa sa iba’t-ibang panig ng bansa ang nagpursige sa loob ng apat na magkakasunod na linggo ngayong Nobyembre.

Sa tala ng Office of the Bar Confidant 8, 701 applicants ang naging kwalipikado upang makakuha ng bar exams nguni’t may ilang nabawas sa mga ito sa mga nakalipas na linggo.

Pagpatak ng alas sais kagabi, sunod-sunod nang naglabasan ang bar examinees, kitang-kita sa mga ito ang tuwa na natapos nila ang bar exams.

Sa kabilang lane, sa harap ng UST naghihintay naman ang mga kabigan, kaanak at mga kamag- aral ng mga aspirants dala-dala ang mga banner, bulaklak at mga poster ng kanilang mga pambato.

Galing man sa iba’t-ibang pamantasan at larangan, tagumpay para sa lahat ang hangad ng bawa’t isa. Aminado mang mahirap ang bar exams, umaasa ang mga itong makakapasa.

Ang ilan naman sa mga examinee na galing pa ng ibang probinsya, excited ng makauwi, dahil simula pa Hunyo ay lumuwas na sila ng Maynila upang makapag-review lang at matutukan ang bar exams.

Pabor at praktikal para kay Joyce na galing Bohol ang panukalang magkaroon din ng bar exams sa mga probinsya upang hindi na dumayo pa sa Maynila.

Ayon sa Supreme Court Bar exam committee, mas marami ng dalawang libo ang examinees ngayong taon kumpara ng taong 2016 at 2017.

Saklaw ng bar exams ang walong subjects gaya ng political law, civil law, taxation, labor law, remedial law, mercantile law at legal and judicial ethics

Inaasahan namang lalabas ang resulta ng bar exams sa huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo sa susunod na taon.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Graduate ng San Beda College- Manila, nanguna sa 1,126 na pumasa sa 2014 BAR exams

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 3102

BAR EXMAS 2014

Nakuha ng law graduate mula sa San Beda College-Manila ang Top spot sa 2014 BAR examinations.

Si Irene Mae Alcobilla ay nakakuha ng highest overall rating na 85.50%.

Tubong-San Remegio, Antique si Alcobilla at nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Political Science sa West Visayas State University.

Sinundan naman ito ng pamangkin ni Senate President Franklin Drilon na si Christian Drilon mula sa Ateneo de Manila University at ni Sandra Mae Magalang ng University of the Philippines.

Mula sa kabuuang 5,984 na kumuha ng eksaminasyon, 1,126 ang pumasa.

Kabilang rin sa Top 10 passers sa 2014 bar examinations ang mga sumusunod:

Mark Leo Bejemino  ng University of the Philippines , Gil Garcia ng Ateneo de Davao University ,Reginald Laco ng  De la Salle Lipa para sa Top 4; Michelle Liao – University of Cebu, top 5; Jose Angelo David at  Adrian Aumentado ng San Beda College Manila bilang Top 6 at Top 7; Rhey David Daway ng UP  at Fideliz Cardelie Diaz -Far Eastern University at DLSU sa Top 8; Jamie Liz Yu ng UP sa Top 9 at 10.Tristan Matthew Delgado ng Ateneo de Manila University sa Top 10.

Makikita ang kumpletong listahan ng mga 2014 Bar exam passers sa Supreme Court website:http://sc.judiciary.gov.ph ( Bianca Dava / UNTV News Correspondent )

Tags: ,

More News