Higit 7,000 Healthcare Workers sa Davao City, nabakunahan na

by Erika Endraca | March 25, 2021 (Thursday) | 2121

Umabot na sa 7,970 healthcare workers mula sa pampubliko at pribadong ospital sa Davao City ang naturukan na ng Sinovac at Astrazeneca vaccine nitong Marso 22.

Katumbas ito sa 38% kumpara sa 21,000 na kabuuang bilang ng healthcare workers na target mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Davao City Vaccination Cluster Head Dr. Josephine Villafuerte, hindi sapilitan ang pagbabakuna at nasa tao ang desisyon kung payag silang maturukan.

Sa higit 21,000 healthcare workers na nasa Priority Group A, 7,970 dito ang nabakunahan na, 13,030 naman ang nakatakda pang bakunahan.

Kabilang din dito ang 15 tumangging magpabakuna, 167 na nagdesisyong magpaliban muna at 35 ang nakaramdam ng Minor Adverse Event Following Immunization (MAEFI).

“Those who refused are those who would want another kind of vaccine. Deferred ases failed to pass the screening stage, some of them have conditions like persistent high blood pressure, exposure to Covid Infection, and recent Covid Infection.” ani Davao City Vaccination Cluster Head Dr. Josephine Villafuerte.

Samantala, inaasahan naman ang pagdating pa ng karagdagang doses ng vaccine ngayong katapusan ng buwan na nakalaan para sa natitira pang babakunahag front liners at hindi mababakunahan ang nasa next priority list hangga’t hindi pa natatapos ng turok ng bakuna ang mga nasa frontline health group.

Sa pinakahuling datos, umabot na sa 4,700 healthcare workers ang nabakunahan sa A. Mabini Elementary School, 2,913 mula sa Magallanes Elementary School, 165 mula Metro Davao Medical and Research Center at 192 naman mula Davao Doctor’s Hospital.

(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)

Tags: