METRO MANILA – Bukas (Feb. 19) matatapos ang 2 Linggong quarantine period sa lahat ng mga pasahero ng Diamond Princess Cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.
Ang pamahalaan ng Pilipinas pinaghahandaan na rin ang gagawing repatriation sa mahigit 500 Pilipinong sakay ng nasabing barko. 27 sa mga ito ay nagpositibo na sa Coronavirus Disease.
Pagdating ng mga ito sa Pilipinas isasailalim uli ang mga ito sa 14 days quarantine upang makatiyak na wala sa kanila ang carrier ng COVID-19.
“Actually doon sa confined space na iyon , we are considering that yes we are considering that all of these people would be considered for quarantine once they come back” ani DOH Public Health Services Team, Asec. Maria Rosario Vergeire.
Sa ngayon hindi pa tukoy ng pamahalaan kung saan quarantine facility dadalhin ang mga Pinoy na sakay ng barko.
“We already have plans for this repatriation but currently we are still on that discussion and planning stage so we will be providing information once everything is finalized” ani DOH Public Health Services Team, Asec. Maria Rosario Vergeire.
Kahapon (Feb. 17) naiuwi na ng Amerika ang kanilang mga kababayan na sakay ng Diamond Princess Cruise ship. Magpapatupad na rin ng repatriation ang mga bansang South Korea, Canada, Australia at Hong Kong.
Samantala, batay sa ulat ng Department Of Health (DOH) kahapon (Feb. 17) umabot na sa 521 ang bilang nga Patients Under Investigation (PUI) sa bansa. 171 sa mga ito ang nasa health facilities pa, 347 naman ang nakalabas na sa pagamutan, 453 sa mga ito ang nag- negatibo na sa COVID- 19, 22 na lang sa mga sample ng PUI ang hinihintay pa ang resulta.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Coronavirus Disease, DOH