Higit 234K ektarya ng mais at palay, nanganganib bunsod ng bagyong Betty — DA

by Radyo La Verdad | May 29, 2023 (Monday) | 2906

METRO MANILA – Mahigit sa 234,000 na ektarya ng mais at palay ang nanganganib na maapektuhan ng bagyong Betty sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center kabilang sa mga ito ay 159,116 na ektarya ng palayan at 75,029 na ektarya ng taniman ng mais sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Bilang paghahanda sa super typhoon Betty sa agrikultura, ayon sa DA, naka-activate na ang kanilang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center.

Naka-preposition na rin ang mga binhi, pataba, gamot at biologics sa mga safe storage facility.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa Department of Science and Technology, State Weather Bureau pag-asa, Local Government Units at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para sa monitoring ng bagyo.

Para naman sa mga magsasakang maapektuhan ng typhoon Betty may nakahanda ng ayuda ang DA gaya ng binhi, gamot, loan program at ang quick response fund.

Tags: ,