Aabot na sa 17.6 million pesos ang halaga ng naitalang pinsala ng bagyong Lando sa sektor ng agrikultura sa Cordillera Administrative Region.
Ayon kay Office of the Civil Defense Cordillera Regional Director Alex Andrew Uy, pinakamalaking pinsala ang naitala sa bahagi ng Apayao na nasa mahigit 7-million pesos, sa Kalinga ay halos 5-million pesos; nasa apat na milyon naman sa Mt Province habang mahigit walong-daang libong piso sa Ifugao.
Sa lalawigan naman ng Abra at Benguet ay hinihintay pa ang ulat mula sa mga lokal na pamahalaan kung magkano ang pinsala ng bagyong Lando sa kani-kanilang mga lugar.
Samantala, aabot naman sa mahigit dalawandaang bahay ang partially damaged habang tatlo ang naitalang totally damaged sa Cordillera bunsod ng bagyong Lando; 63 naman sa Apayao, 147 sa Kalinga habang 25 sa Mt province.
Sa ngayon ay ramdam pa rin dito sa Cordillera, partikular na sa Baguio city ang malakas na hangin na may kasamang pag-ulan.(Grace Doctolero/UNTV Correspondent)